Mensahe ng Ikalawang Konsilyong Vaticano sa mga Kabataan
Mensahe ng Ikalawang Konsilyong Vaticano sa mga Kabataan
Sa loob ng apat na taon ang Iglesia ay nagtatrabaho upang pagibayuhin ang kanyang imahe upang mas mahusay na tumugon sa ang disenyo ng Tumatag nito, ang Dakilang Buhay, ang Kristo na magpasawalang-hanggan kabataan. Sa panahon na ito ng kahanga-hangang muling pagsusuri ng buhay, siya ngayon ay lumilingon sa iyo. Ito ay para sa iyo, kabataan, lalo ngayon na sa pamamagitan ng Konseho ng Iglesia ay dumating na pagningasin ang iyong ilaw. ang ilaw na siyang tatanglaw sa kinabukasan, sa iyong kinabukasan..
Ang Iglesia ay nananabik sa makita ang Lipunan na nais mong itaguyod ay dapat gumalang sa dignidad, kalayaan, karapatan ng bawat tao, Ikaw ay kabilang sa mga indibidwal na ito. Ang Iglesia ay partikular na sabik sa lipunan na bukas sa malawak na paglago ng kanyang kayamana, sinauna at makabago, katulad ng pananampalataya na magbubukas ng diwa upang mapainit at mapalaganap ang liwanag. Mayroon siya pagtitiwala na makatagpo ka ng ganitong mga lakas at mga ganoong kagalakan na maging lakas mo ng hindi ka matukso tulad ng ilang mga nauna laban sa pang-aakit na maging makasarili o makalaman na pilosopia . magpadala sa kawalan ng pag-asa at paglipol,at sa harap ng hindi paniniwala sa diyos, ang di pagkaunawa sa kapaguran at katandaan,ay matanto mo ang paggpatibay ng iyong Pananampalataya at nagbibigay ng kahulugan nito, yan ay ang sabihin ng mayroong makatarungan at mabuting Diyos.
Ito ay sa pangalan ng nasabing Diyos at ng Kanyang Anak, si Jesus, pinapayo namin sa iyo na buksan ang iyong puso sa bawat sulok ng mundo na ito, upang pag-ingatan ang apila ng iyong mga kapatid, na ilagay ang iyong kabataang lakas sa kanilang serbisyo. Paglabanan ang lahat ng yabang. Iwasan ang lahat ng uri ng pagkamakasarili. Ilayo ang sarili sa likas na ugali ng karahasan at galit na nanganganak ng gulo at nagpaparami ng kapighatian. Maging mapagbigay, dalisay, magalang, at taos-puso, at bumuo ng isang mas mahusay na mundo sa sigasig kaysa sa iyong mga matatanda.
Ang Iglesia ay tumitingin sa iyo ng may pagtitiwala at pagibig. mayaman sa mahabang karanasan at kultura na naglalakbay patungo sa kaganapan ng pagkatao sa takdang panahon at sa tunay na patutunguhan ng kasaysayan at ng buhay, ang Iglesia ay ang tunay na kabataan ng mundo. Siya ay ang may nagmamay ari ng lakas at pagtaguyod ng kung ano alindog ng mga kabataan, iyon ay upang sabihin,na siya ay may kakayahang matuwa sa kung ano ang Simula,handang ibigay ang sarili ng kawalang pangingimi, magpanibago ng sarili atang maglayag sa panibagong pakikibaka. Hanapin sa Simbahan at matatagpuan mo siya sa mukha ni kristo, ang tunay, mapagpakumbaba, at matalinong bayani, ang Propeta ng katotohanan at pag-ibig, ang mga kabarkada at kaibigan ng kabataan. Ito ay sa pagpupugay sa inyo sa pangalan ni Kristo na nangangaral at nagpapala sa inyo"(Disyembre 7, 1965).
(Translated by the Author from Message of the Second Vatican Council to the Youth)
0 comments:
Post a Comment